Tag Archives: good morning kuya

“Isang Araw Lang,” sabi ni Kuya Daniel

Meron kaming tv sa bahay. Napanood ko yung campaign ni Kuya Daniel Razon sa morning show niya na Good Morning Kuya (GMK) sa UNTV. Siguro mga past two days yon eh. Na-touch ako dun sa sinabi niya na “Isang Araw Lang.” Ang galing ng gusto niyang mangyari dun sa tatlong salita na yon. Naalala ko tuloy yung lyrics na,

“I Love You… please say you love me too… these three words they could change our lives forever… – from the song I Love You by Celine Dion.

Tulad ng salitang I Love You, yung tatlong salita na “Isang Araw Lang” could make our lives better, ani Kuya Daniel. Antaray di ba? He explained na malaki ang magagawa ng isang araw sa loob ng 365 days, kung magkakaisa ang mga Pilipinong may kakayahang tumulong na magserbisyo ng libre sa kapwa.

Naiyak ako (pramis!) Medyo sumikip nga ang dibdib ko kasi parang kinurot siya. I was moved. Kung iisipin mo nga naman kasi, sa loob ng isang araw ay matutuwa ang bawat Pilipino kung sa bawat paglingon nila sa paligid ay libre ang karamihan (kung hindi man lahat) ng mga serbisyo sa loob ng isang araw!

dreamland

Naalala ko na naman yung cartoons entitledĀ  “Somewhere in Dreamland.” Ito ay kwento ng dalawang magkapatid na pulubi na nanaginip na napunta sila sa isang lugar na puro pagkain ang nasa paligid nila at kuha lang sila ng kuha ng pagkain nang one to sawa.

Pero itong campaign ni Kuya Daniel na “Isang Araw Lang” ay hindi panaginip. It’s a reality dahil meron talagang maraming libreng serbisyo sa kapwa- medical, dental, legal, job fair, transient home, MRT ride, bus ride- at hindi yon isang araw lang, kundi, ARAW ARAW!!! Read my lips: AARRRAWWW AAARRRAAWWW sa serbisyo yan!!! (Mahiya sana yung mga kurakot sa gobyerno, kahit isang araw lang.)

kuya-transient1

Arcon and UNTV37 Free Ride Bus

This was November 28, 2007. I was holding a gift para kay Kuya - apples and pears yan. Why? Dahil special day yun for all of us specially for Kuya. Napadaan yung UNTV Libreng Sakay Bus kaya nagpa-capture na ako ng image. Traffic kasi nun sa Broadway Ave. kaya I got a chance to have one.

Dahil jan sa campaign ni Kuya Daniel Razon na “Isang Araw Lang” ay nag-imagine na ako agad. Si-net ko na sa isip ko yung ambience na may mga libreng bagay sa paligid. Ano kayang service ang una kong pupuntahan? Kaninong dental clinic kaya ako magpapalinis? Ahm.. anong one-day course kaya ang iti-take ko? Anong food chain kaya ang kakainan ko with my loved ones?

Actually iniisip ko ang mga bagay na yan habang nasa loob ako ng Revo na umaandar. Bigla naming nadaanan yung 7-11, isang tindahan. Inisip ko kung isang araw silang mang-lilibre sa tao, MAUUBOS ang laman ng tindahan nila! Kahit ang SM Mega Mall, kung mag-iisang araw silang libre sa tao, LIMAS ang lahat ng products nila!

For sure meron kasing kukuha ng marami. Kaya ang naisip ko, pagdating sa mga produce, mga items, at iba pang tangible products, dapat ay may rule. Since isang araw lang naman yon, dapat ang ibibigay sa mga customers ay yung pang isang araw na consumption lang para naman may equal distribution sa tao, dabah? Ang saya saya!

Or pwede ring magkaroon ng bunutan! I mean raffle draw something! Pipila ang lahat ng gustong maka-kuha ng produkto (dapat kasi may kaayusan para walang stampede) tapos bubunot sila ng number! At yung number na yon ay may corresponding item! Ang saya saya ulet!!! Maswerte yung makakakuha ng refrigerator, o kaya yung makakabunot ng Macintosh, or isang pampasaherong jeep! Bahala na ang bawat establishment sa gimik nila. Antaray!

Siguradong headline ang Pilipinas niyan sa CNN, BBC, at iba pang international news. Sawa na kasi ako sa mga balitang ang Pilipinas ang isa sa mga bonggang bonggang mangurakot sa Asia. Atleast kahit ISANG ARAW LANG ay mabago ang image na yon.

Ang daming pwedeng tulong ang maibibigay natin sa ating kapwa sa loob ng isang araw kung makiki-isa ang lahat sa kampanyang ito. Ang galing talaga ng nagpaisip kay Kuya ng bagay na yan. Ang galing galing Niya!