Tag Archives: environment

Isang Araw para sa Kalikasan

Sing-liit pa lang ako ng bubot na bayabas ay mahilig na ako sa nature! Amazed na amazed na talaga ako sa mga hayop at sa kanilang wonderful habitat- makulay, mayumi, at kahali-halinang tulad ko. (Echusera!)

And since nabigyan ako ng talent of drawing from above, madalas kong i-guhit ang mga wonders of creation na ito: palaka, balyena (yung tipong may bumubulwak pang tubig sa batok niya para buhay na buhay,) butete (anak ng palaka,) bulate (hindi anak ng palaka,) isda, snail, at marami pang iba. Ang sarap sarap talagang mag-drawing ng mga nilalang na tulad ng mga yan kaya naman lagi akong binibigyan ni papa ng maraming rim ng mga scratch papers dahil kung hindi ay kung saan saan ko lang ma-eexpress ang aking artistry- sa pader, sa papag, sa sahig- omnipresent art!

mother frog whale

butete bulate

Kapag may assignment kami nung kindergarten ay hindi na ako nagpapa-drawing sa iba dahil ako na mismo ang nagdo-drawing ng mga animals na gusto ko. At infairness naman, I always got a good score on that kaya naman BEST IN ART ang lola mo! Salamat sa God-given talent!!!

Nung tumutubo na ako sa elementary at high school, Science ang isa sa naging favorite subjects ko! Doon ko na natutunan ang mas malawak na scope ng nature! (Huwag niyo na itanong kung ano, basta natuto ako.) Dito na rin ako lalong nag-drawing nang nag-drawing nang nag-drawing nang nag-drawing nang nag-drawing nang nag-drawing nang nag-drawing nang nag-drawing nang nag-drawing nang nag-drawing nang nag-drawing nang nag-drawing nang nag-drawing…

Isa sa hilig kong i-guhit ay ang sliced view ng river. Astounded kasi ako sa mga fishes eh… SIGE, AAMININ KO NA!!! Si Ariel ng The Little Mermaid naman talaga ang gusto kong i-drawing (ahihihi.) At ang ugat ng yan ay si Dyesebel at ang kaniyang mahiwagang kabibe! Kaya naman naging favorite kong iguhit ang isda- mga isda na nasa ilalim ng ilog. At syempre kapag nagdo-drawing ako ng under the river ay hindi mawawala ang isda (naman…), mga waterplants, mga tadpoles, at yung bula na lumalabas sa mga ito. Kailangan mong lagyan ng bula para talagang mukhang nasa ilalim sila ng tubig, kapag wala kasing bula ay hindi mo ma fi-feel ang pagiging under water niya.

river

-So kailangan mo talagang i-drawing yan?

YES! Para makita niyo naman, dabah?

But after so many years, naiba ang hilig ko. Sa aking pagsibol ay hindi na ako masyadong nag-drawing, pero nandun pa rin naman ang pagiging nature lover ko, at iba ako kapag na-inlove, (echusera na naman!) And when your loved one gets hurt, you get hurt as well. And now, tell me who wouldn’t get hurt by this? Grabeh, lately ko lang nalaman na yan pala ang pinakamaruming ilog sa daigdig! Muntik nang dumami yung basura. Buti na lang hindi dumami, muntik lang. @_@

citarum_pollution

Citarum River, Indonesia

Ilang taon kaya ang the making ng ganyang karuming ilog? Baka may mga ginto na sa ilalim niyan. Siguro pag naglakad ka sa ibabaw e biglang may lalabas na malaking alupihan na ‘sing-taas ng punong niyog o kaya ga-kalabaw na salagubang at ipis. Siguro pag nalaglag ka jan eh hindi ka na lulubog sa tubig, tatalbog ka na lang sa sobrang kapal ng basura. Mukhang wala na nga yatang tubig eh, yung basura na mismo ang pinakatubig niya. Umaagos pa kaya yan? Siguro pwede na jang magmataya taya ang mga bata pag weekends at makapag-basketball ang mga tambay sa tabi-tabi. Teka, bakit hindi na lang kaya ako kumilos para linisin ang ilog na yan?

-Hay naku, kung nanjan lang ako sa Indonesia, nilinis ko na yan!

-Hellouer? Eh yung kalat nga lang jan sa tabi mo hindi mo pa mapulot eh.

Siguro kung bawat isang tao sa kanila ay pupulot ng isang basura, siguro malilinis nila yang ilog na yan sa isang araw lang. And speaking of isang araw, dito ko na ngayon i-sesegue ang ginawang paglilinis sa 30th dirtiest river in the world na matatagpuan sa Caloocan City, Philippines!

isang araw kalikasan youtube

Ito ang Sapang Alat River- isang letter na lang ay pwede na itong tawaging Sapang Kalat River dahil sa kalat na itinatapon dito. Buti na lang, nung Earth Day nakatikim ang stream na yon ng “paligo” sa tulong ng mga kaibigan nating taga Caloocan at ng mga volunteers mula sa BREAD Society International- isang malaking grupo ng mga kabataan sa mga pamantasan. At gayundin ang marami ring bilang ng mga kabataan mula sa Manila, Bulacan, atbp. Iba din ang magnet ng Isang Araw Campaign ni Kuya Daniel sa mga kabataan noh?

noveh and meKahapon nang umaga ay naka-usap ko yung katulad kong kabataang supporter ng Isang Araw Lang Campaign ni Kuya Daniel. Nandun siya nung moment na nililinis ang Sapang Alat River. Siya si Ate Noveh, 29 yo from Caloocan City.

“Bilang mga kabataang volunteers, may kanya kanya kaming toka sa buong event na yon at kasama ako sa mga nagprepare ng food para sa mga kapwa ko volunteers…”

Hinayaan ko lang siyang magsalita nang magsalita. Alam ko kasing maraming gustong sabihin ang kanyang kalooban sa kanyang naging experience, sa kanyang naging ISANG ARAW EXPERIENCE!

Kahit nasa food committee ako, hindi ako pumayag na hindi ako makapag-hands on doon mismo sa paglilinis sa ilog kaya after kong matapos ang part ko sa foodcom ay talagang sumama ako sa pagpupulot ng basura . Natuwa nga rin ako kasi pati yung mga batang tagaro’n ay nakipulot na din ng basura,” nakangiting sinabi ni Ate Noveh.

Sa pag-uusap namin ay meron siyang sinabi na natatak nang madiin sa aking puso, “Ang saya saya ko nun, at special ang isang araw na yon e kaya hindi ako pumayag na hindi ako makasama sa paglilinis,” nakangiti parin niyang sinabi sa akin. Na-touch talaga ako, may mga tao talagang hindi pinalalampas ang makagawa ng kabutihan. Once he or she gets the chance to participate, he/ she then grabs it and won’t just let it go away at kailangan ko talagang sabihin yon in English. Kaya naman I also would like to embrace this opportunity given to me at this very moment to say “hi to the government- “-Hayyy…

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng Okrabessa Juice Drink-Laet na, daot pa. Bili na! Subukan n’yo lang.

Figuring all things out, Kuya Daniel’s Isang Araw para sa Kalikasan was a successful take and kung talagang meron kang malinis na puso, hinding hindi mangyayaring hindi ka susuporta sa kampanyang ito ni Kuya na kahit sa isang araw lang ay makagawa ka ng mabuti sa kapwa, kahit sa kalikasan. At kapag na realize mo ang splendor ng pagtulong na ito sa isang araw, hindi hindi ka papayag na hindi mo ito ulit-ulitin. You will surely crave for another day to help and support, plus another day, then another, and another, hanggang sa mapansin mo na part na pala ito ng existence mo sa Earth- ang daily charity. Hindi mo na ngayon sasabihing ISANG ARAW LANG ang iyong pagmamalasakit. Doon ko naintindihan kung bakit wala yung salitang “lang” sa printed t-shirt na ISANG ARAW. Ang galing noh? Indeed, Kuya Daniel truly speaks of things in wisdom. (Panalo!)

The end.

Ay wait lang! Just always be ready dahil baka sa susunod na Earth Day ay Indonesia na ang puntahan ng campaign na ito ni Kuya Daniel. Ang tanong- Aling ilog kaya ang lilinisin? Hmnn.. pareho ba tayo ng iniisip na ilog?

( ö )

Advertisements