Tag Archives: ang dating daan

Because we are not few

P1110057

I never thought na ganito karami ang susuportang kabataan sa Moral Force Movement ni Supreme Court Chief Justice Reynato Puno noong June 12 Friday sa may Monumento, Caloocan City.

Kung last year ay nasa 200 participants lamang ang dumalo, ngayong taon ay humigit kumulang 4,000 lang naman ang sumuporta dahil narin sa celebration ng Philippine Independence Day.

Alas-sais ng umaga ako nakarating doon, pero marami na rin palang nauna sa akin. Feeling ko ako si Mariah Carey while shooting ‘Through the Rain’ music video. Umuulan-ulan kasi nung pumunta ako nun. Pero pagkatapos naman ng Through the Rain ay napakanta ako ng ‘Through the Fire’ ni Chaka Khan hindi dahil chaka ako kundi dahil biglang tumingkad ang sikat ng araw pagkatapos ng ulan. Taray ng blessing diba? Gusto ko nga sanang isingit yung kantang ‘Through the Years’ kaso parang walang konek. E yung ‘Through Colors’ ni Phil Collins? (nyeh..)

P1110089

P1110116

I really felt the belongingness and the tuwa that time. Parepareho kasi kaming may suot ng Isang Araw T-Shirt at puro kami mga kabataan doon! Ang saya saya, dabah? At lalo kong nakita yung bulto ng mga youth nung pinalibutan na namin yung Monumento ni Bonifacio. Parang gusto ko ngang sumigaw ng, “Sumuko ka na Andres! Napapaligiran na kita!” (a-tse-tseh!)

P1110104

We were cheering and yelling and doing the human wave but in a moderate manner syempre. Masyado pa kasing maaga nun eh, baka magalit ang mga kapitbahay. And lo, dumating na din ang pinaka-aabangan namin – the Supreme Court Chief Justice Reynato Puno with entourage, of course.

P1110084

Hindi ko na maalala in chronological order ang mga sumunod na nangyari- basta ang naaalala ko lang, pagkatapos ng pag-awit ng Lupang Hinirang at ng pagrecite ng “Panatang Makabayan,” na akala ko ay mag-eexercise pa kami in the tune of Physical ni Olivia Newton-John, ay nagulat kaming lahat ng biglang may narinig kaming malakas na putok. Napalingon ako sa mga armadong lalake na naka-uniporme. Seryoso ang mga mukha nila.

P1110122

Gusto ko sanang mag-panic at mahimatay for a while kaso parang ako lang ang nag-eemote, kalmado naman kasi ang lahat. Lubusang nawala ang pagiging OA ko nang makita ko ang mga balloons na pinalipad at nagpalakpakan ang lahat! Ang tarayyy!

P1110106

Lahat pala yon ay part ng opening ceremony dahil Independence Day nga pala, ahihi. Nakipalakpak na rin ako (echusera talaga…)

Nakalulungkot nga lang yung audio system kasi hindi lahat ay makarinig ng malinaw nung nagsasalita na si Chief Justice, lalo na kaming nasa bandang likuran. Ang konti kasi ng mga sinet-up na mga speakers eh. Hindi ko naman sila masisisi kasi wala naman sa hinagap nila na libo-libo ang pupunta sa movement na yon. Sana pala tinext ko muna sila na pulu-pulutong kaming pupunta para naman nakapag-prepare sila ng astig na reverberation system, hehe.

Pero kahit ganun ang sound system, hindi naman nasayang ang effort ko na pumunta. Alam ko naman kasi ang dahilan kung bakit ako nandon at bakit ako naki-isa sa naganap na Moral Force Movement. Naniniwala ako na isa sa mga dahilan kung bakit ganito ang steytus ng Pilipinas ay dahil sa kawalan ng moral values ng ilan sa mga namumuno sa gobyerno. (Ayokong gamitin yung salitang ‘immoralidad’ kasi baka masyadong harsh.) Kaya naman kung ako ang pipili ng mamumuno sa ating lipunan ay pipiliin ko na yung taong may morally sound principle; yung naka-aalam ng GMRC in the truest meaning of the acronym –

Good Manners and Right Conduct at hindi Get Money Rob Cash.

(wooops, kihreeh! ee-ma-ma-jee, winkle berry!)

At kung lahat ng mga kabataan doon ay magkakaisang boboto ng isang karapatdapat na kandidato ay siguradong malaking bilang ng boto ang madadala ng mga ito. Isang sabi lang sa mga yan, then pwede ka nang mag-relax…

P1110080

P1110115

Teka, may samting akong narealise tungkol sa mga kabataang sumuporta sa Moral Force Movement. Ibang iba sila compared sa mga usual na kabataang nakikita ko sa aking pang-araw araw na buhay.

girl_large

Wala akong nakitang nanigarilyo kahit isa sa kanila. Wala rin akong narinig kahit minsan na expression na “…’tang ina!” sa mga bibig nila- madalas mo kasing marinig yan sa karamihan ng mga kabataan ngayon. facial-piercing_49_310x235Nilibot ko pa ang paningin ko – wala akong nakitang  mga kabataang lalaki na mahaba ang buhok. Lahat ng lalaki doon ay neatly cut ang hair at walang trying hard na nagpapakulay ng buhok tulad ng ginagawa ng iba just for the sake na magmukhang foreigner. Hindi rin ako nakakita ng mga lalaki doon na may hikaw- sa tenga, sa ilong, sa kilay, sa dila, sa lips- as in wala. Walang naka-all black (black eye liner, black manicure, black lipstick, black dress- Penguin na kalaban ni Batman, ikaw ba yan?) na parang bigla na lang mangangagat. Wala akong nakitang may tattoo sa mga kabataan doon, kahit hena ay wala. addictions_sleepy drunk_300goth.f1tattooHindi rin ako naka-amoy ng kabataan doon na lasing o may hang-over. Ang mga kabataang babae naman doon ay matimtiman ang damit. Walang nagpapakita ng cleavage. Wala ring naka-miniskirt at nagpakita ng hita niya. Walang mukhang puyat na pusa dahil sa kapal ng make-up. Wala rin akong nakitang magsyota doon. Wala rin akong nakitang bigla na lang magdidisplay ng affection sa public. Lahat sila ay desente, tahimik, at kakikitaan mo ng good manners and right conduct. “Am I still in the Philippines? Am I still on Earth?”pabiro kong naisip.

Meron palang kabataang Pilipino tulad nila. And for sure, kapag sila ang nakasama mo ay matutunaw ka sa sobrang bait ng mga kabataang ito. Sila ang magandang halimbawa ng mga kabataang dapat gayahin ng mga kapwa kabataan. Walang sinabi ang ibang youth societies na nasa tabi tabi jan. Pero saan galing ang mga libo-libong mga kabataang ito? Napaka-solid, disiplinado at kakikitaan mo ng kaayusan. Sino ang nagturo ng disiplina sa mga ito? Tiningnan ko yung banner na hawak nila. Finally, nasagot niyon ang mga tanong ko dahil nabasa ko sa hawak nila ang mga salitang… “ANG DATING DAAN.” Bigla akong natigilan at tumahimik sandali. Ngumiti ako – isa kasi ako sa may hawak ng mga banners na yon at lalo kong tinaas yung banner na hawak ko para makita nila kung sino at kung anong klaseng kabataan meron ang ANG DATING DAAN.

Yes, I am more than proud being one of the youth members of Ang Dating Daan. Kahit maraming paninira, I don’t care. Wala naman silang sasabihing maganda because they cannot appreciate goodness in life. Basta kami, we enjoy serving people no matter what they say. And as I end  let me tell you this:

“We may have always been quiet and enduring on whatever you do

But don’t underestimate us because we are not few.”

Advertisements