Straight On The Webb

Year 1991 – Grade 1 ako nung naging popular yung Vizconde Massacre, ang totoo nga eh yung pelikula ang mas tumatak sa isip ko – Kris Aquino na ngumangalngal dahil papatayin na siya- yan ang trademark ng Vizconde Massacre para sa akin.

Hindi ko rin makalilimutan yung pinaka-nakatatakot eksena sa movie nang lumabas yung suspect sa krimen sa gitna ng bumubuhos na ulan. Yung suspect daw na yon ay yung Hubert Webb.

Nung nakita ko naman sa TV yung totoong Hubert Webb, nasabi ko sa aking pitong taong isipan na, “ayyy… siya ba yung pumatay? Ang gwapo naman!”  Parang hindi ako makapaniwala na siya yung tinutukoy na pumaslang kasi ang nasa isip ko noon, basta kontrabida, pangit.

Anyway, doon ko rin nalaman na anak pala siya ni Freddie Webb. Senator yata siya noon kung hindi ako nagkakamali. Hindi naman kasi ako aware sa politics noon (hanggang ngayon naman eh) kaya hindi ako familiar sa kanila. Dahil lang sa Vizconde Case kaya nagkaroon ako ng awareness sa pangalang Webb.

After 19 years, November 30, ay nasariwa sa akin ang lahat nang ma-i-guest si Freddie Webb kasama ang abogadong si Mr. Demetrio Custodio sa programang Get It Straight with Daniel Razon. Hindi ko mga lang masyadong na-digest yung usapan nila kasi that time ay bumoboto ako sa mashable.com.

Kuya Daniel as he gets straight answers on the Webb. Photo by Juvel Tadena

Pero ang pinaka-na-get ko ay pinaninindiganan ni Mr. Freddie Webb, magpahanggang sa mga oras na ito, na inosente ang kanyang anak na si Hubert sa kaso. For years kasi ay nasa kulungan ang kanyang anak. Meron pa ngang pr-in-esent si Mr. Freddie na parang document na nagpapatunay na nung date ng nasabing massacre ay nasa ibang lugar si Hubert, kung tama yung pagkakarinig ko.

Kuya Daniel on a serious talk with Mr. Freddie Webb and Atty. Demetrio Custodio. Photo by: Juvel Tadena

Ganunpaman, malalaman din natin ang katotohanan kung sino talaga ang may sala, kung ‘di man ngayon, basta malalaman din natin. Laging manood ng Get It Straight with Daniel Razon sa UNTV para laging maging updated ang mga katulad kong less aware sa mga bagay bagay sa paligid, hehe.

Magandang araw sa inyong lahat!

P.S. – My blog has finally got its aesthetic look. Thanks for the great shots and clear photos by: Mr. Juvel Tadena

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: